Panandang Pangkasaysayan ni Padre Modesto de Castro
Padre Modesto de Castro Enero 21, 2014 (Martes). Padre Modesto de Castro (1819-1864). Siya ang dating kura-paroko ng Naic. Ngayong araw ay ginugunita ang ika-150ng taon ng kanyang kamatayan. Kaugnay nito, hinawi ang tabing ng panandang pangkasaysayan sa ngalan ni Padre Modesto. Nagtipon sa harap ng kumbento ang mga kinatawan ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, Cavite Studies Center, Lokal na Pamahalaan ng Naic, at iba't ibang samahang pansimbahan ng Pangdiyosesanong Dambana ng Inmaculada Concepcion. Dumaloy ang palatuntunan sa pag-uusap tungkol sa naging buhay ng dating kura, maging sa kanyang akdang isinulat sa Naic, ang "Urbana at Felisa." Nakasulat sa pananda ang sumusunod, "Isinilang sa Biñan, Laguna, 15 Hunyo 1819. Nag-aral ng Teolohiya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nagsilbing Kura Paroko ng Paombong, Bulacan, 1851-1854, Kura Rektor ng Katedral ng Maynila, 1855-1857, at Kura Paroko ng Naic, Cavite, 1857-1864. Tinaguriang 'Ama ng Prosang T...