Panandang Pangkasaysayan ni Padre Modesto de Castro

Padre Modesto de Castro

Enero 21, 2014 (Martes). Padre Modesto de Castro (1819-1864). Siya ang dating kura-paroko ng Naic. Ngayong araw ay ginugunita ang ika-150ng taon ng kanyang kamatayan. Kaugnay nito, hinawi ang tabing ng panandang pangkasaysayan sa ngalan ni Padre Modesto. Nagtipon sa harap ng kumbento ang mga kinatawan ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, Cavite Studies Center, Lokal na Pamahalaan ng Naic, at iba't ibang samahang pansimbahan ng Pangdiyosesanong Dambana ng Inmaculada Concepcion. Dumaloy ang palatuntunan sa pag-uusap tungkol sa naging buhay ng dating kura, maging sa kanyang akdang isinulat sa Naic, ang "Urbana at Felisa." Nakasulat sa pananda ang sumusunod, "Isinilang sa Biñan, Laguna, 15 Hunyo 1819. Nag-aral ng Teolohiya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nagsilbing Kura Paroko ng Paombong, Bulacan, 1851-1854, Kura Rektor ng Katedral ng Maynila, 1855-1857, at Kura Paroko ng Naic, Cavite, 1857-1864. Tinaguriang 'Ama ng Prosang Tagalog.' Kabilang sa kanyang mga akda: ang Platicas Doctrinales, Novena de San Isidro Labrador, Novena del Apostol Santiago at Exposicion de las Siete Palabras. May-akda ng Urbana at Felisa, na nagsilbing gabay ng kagandahang-asal at pakikipagkapwa-tao noong panahong iyon, 1864. Yumao, 21 Enero 1864."


Ang May Akda

Ang sumulat ng Urbana at Feliza ay si Padre Modesto de Castro. Ipinanganak sa Binan, Laguna, noong unang hati ng ika-19 na dantaon. Nag-aral siya sa Colegio Real de San Jose, naging Kura sa Catedral ng Maynila at pagkatapos ay sa Naik, Kabite.

Urbana at Feliza


              



Tagpuan
Dalawang pook ang nabanggit sa nobelang ito. Dahil ito ay ang pagpapadala ng liham ng dalwang magkapatid. Malayo ang pook kung saan sila naninirahan. Si Urbana ay nasa Manila upang mag-aral at si Feliza naman ay nasa Paombong, Bulacan.
Nilalaman
  • Ang “Urbana at Feliza” na ang buong pamagat ay ang “Pagsusulatan nang Dalawang binibini na si Urbana at si Feliza” ay nagpapalitan ng liham ang dalawang magkapatid. ang nakatatanda, si Urbana, ay nag-aaral sa isang kolehiyo ng mga babae sa Maynila, at ang mas bata, si Feliza, ay nagnanais na matuto mula sa kaniyang kapatid hinggil sa kung ano ang dapat ugaliin sa iba’t ibang pagkakataon. Binabanggit niya ang mga tukso at panganib sa landas ng kabataan at sinasabi kung paano maiiilagaan ang mga ito.
  • Sa pangalang ‘Urbana’ mababasa ang magaling na pakikipag-kapwa tao. Sa kanyang mga sulat sa kapatid na si Feliza ay maka pupulot ang dalaga, makapag-aaral ang bata, maka aaninao ang may asawa, maka tataho ang binata nang aral na bagay sa kalagayan nang isa’t isa.
  • “Sa manga sulat ni Urbana, na ucol sa pag tangap nang estado nang matrimonio, ang dalaga,i, maca pag aaral, at gayon din ang baguntauo, at macapupulot nang hatol na dapat alinsunorin bago lumagay sa estado, at cun na sa estado na.
  • “Sa manga sulat ni Feliza cay Urbana, na ang saysay: ay ang magandang asal nang capatid na bunso na si Honesto, maca pag aaral ang bata, at maca tatanto nang caniyang catungkulan sa Dios, pagka tanao nang kaliuanagan nang canilang bait…”
Sagisag ng Pangalan ng Panauhan
  • Ang pangalang ‘Urbana’ ay sagisag ng Urbanidad o kabutihang asal.
  • Ang pangalang ‘Feliza’ ay galing sa kastilang “feliz” (maligaya) at ang sinasagisag ay ang kaligayahang natatamo dahil sa pagpapakabauti at pagka-masunurin.
  • Ang pangalang ‘Honesto’ ay sagisag ng kalinisang-budhi at karangalan. Sinabi ni P. Modesto de Castro sa aklat na kung ang mga aral ng kaniyang “Urbana at Feliza” ay pakinabangan ng mga tao.
Ang mga importanteng asal ayon sa sulat ni Urbana
  • Ang kamahalan at karangalan ang dapat humanap ng ulong puputungan, at di ang ulo ang dapat humanap ng koronang ipuputong.
  • Ang karangalan, sa karaniwan, ay may kalangkap ng mabigat na katungkulan.
  • Ang magnasang magkamit ng kamahalan sa bayan, sa karaniwan ay hindi magandang nasa.
  • Ang karangalan s amundo ay para rin ng mundo na may katapusan.
  • Huwag magpakita ng kalupitan sa pagnanasang igagalang ng tao.
  • Huwag kalilimutan ang katungkulan lumingap sa lahat, mahal man at hindi.
  • Katapatan ng loob sa kaibigan, mapag-ampon sa mababa, maawain sa mahirap at tumutupad sa katungkulan ay pupurihin ng bayan.
Sa Piging
Ang sulat na ito ni Urbana kay Feliza ay mga bilin niya sa kanyang dalawang nakababatang kapatid tungkol sa karapatdapat na asal nila kapag sila’y naanyaya sa isang piging sapagkat maaari makasira sa imahe ang maling gawain.
Pagdating sa bahay:
  • Bumati ng magandang gabi o magandang araw sa may bahay, saka isusunod ang mga kaharap.
  • Huwag magpapatuloy sa kabahayan hanggang di inaanyayahan.
  • Bago lumuklok ay hintayin muna na pagsabihan at huwag pipili ng mahal na luklukan.
  • Iwasan ang mamintas, itago na lamang sa sarili.
Sa lamesa:
  • Huwag makikiluklok sa matatanda.
  • Sa pagkain, ay iwasan ang pag-ubo, pagsinga o pagbahing.
  • Iwasan kumaing namumuno ang bibig, dalas-dalas at malalaki ang subo.
  • Masama ang mahalatang maibigan sa alak.
  • Huwag magpahuli sa lahat sa pagkain at huwag namang magpapa-una ng pagtindig.
Sa pag-alis:
  • Bago umalis sa dulang ay magpasalamat sa Diyos, ang dapat mamuno ay ang may-bahay.
  • Magpasalamat sa may-bahay.

Comments

Popular posts from this blog

Panahon bago dumating ang mga Kastila

Manunulat sa Panahon bago dumating ang mga Kastila